18.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

DTI Apayao naglunsad ng Abel Manufacturing sa tulong ng Shared Service Facility Program

Naglunsad ang Department of Trade and Industry (DTI) Apayao ang Abel Manufacturing sa tulong ng Shared Service Facility Program kahapon sa Capagaypayan, Luna Apayao Evacuation Center nito lamang ika- 11 ng Setyembre 2024.

Batay sa ulat, ang paglulunsad ay dinaluhan ng 15 na miyembro ng organisasyon ang Department of Labor and Indrusty, Department Of Science and Technology, Technical Education and Skills Development Authority kabilang dito ang Luna Weavers Association bilang pangunahing benepisaryo at naglaan ang DTI ng ₱855,525.00 sa asosasyon sa pamamagitan ng kanilang Shared Service Facility Program.

Ang Abel Manufacturing ay tumutukoy sa isang programa o inisyatibo na may kinalaman sa paggawa ng “abel,” isang tradisyunal na hinabing tela mula sa Pilipinas o native attire. Ang programa ay nalalayong pataasin ang produktibidad at makapaghatid ng mas maraming kita sa mga organisasyon na nasa parehong larangan ng negosyo.

Samantala ang kagamitan at pasilidad ay maaari ring gamitin at ibabahagi sa mga nangangailangan nito.

Ang nasabing programa ay isa sa mga inisyatibo ng DTI upang punan ang mga puwang sa produksyon at magbigay sa mga potensyal na tumanggap ng libreng kagamitan, at upang magbigay ng solusyon sa mga indibidwal na pinansyal na hindi matatag.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles