15.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

DSWD Special Assistant, bumisita sa Isabela at Quirino Province

Bumisita si Special Assistant to the Secretary for Disaster Response Maria Isabela Lanada sa iba’t ibang warehouse ng DSWD sa mga lalawigan ng Isabela at Quirino noong ika-19 hanggang ika-22 ng Setyembre 2023.

Layunin ng kanyang pagbisita na makita ang kalagayan ng mga warehouse at e-monitor ang mga prepositioned relief goods na kasalukuyang nasa mga bodega ng ahensya.

Kabilang sa kanyang inikutan ang mga warehouse sa lungsod ng Ilagan at Santiago sa Isabela habang sa Quirino Province ay ang mga warehouse ng Diffun, Saguday at Provincial Local Government Unit.

Nagsagawa rin ang kalihim ng inspeksyon sa mga family food packs (FFPs) upang matiyak na nasa maayos itong kondisyon at nasa kumpletong komposisyon na naglalaman ng anim na kilong bigas, limang sachet ng tsokolate at kape, apat na de-lata ng corned beef, apat na de-lata ng tuna at dalawang de-lata ng sardinas.

Kaugnay nito, nasa 12,224 family food packs sa Isabela habang 9,530 FFPs naman sa Quirino Province ang nakatakdang ipadala bilang augmentation support ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan.

Ito ay bilang tugon sa direktiba ni DSWD Sec. Rex Gatchalian kaugnay sa programang “Buong Bansa Handa” na naglalayong matiyak ang presensya ng pamahalaan saan mang dako ng bansa at magbigay ng agarang tulong at relief assistance sa panahon ng kalamidad o anumang sakuna.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles