12.5 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

DSWD RO2, patuloy na namamahagi ng UCT sa lalawigan ng Cagayan

Umabot sa 868 na benepisyaryo sa probinsya ng Cagayan ang nakatanggap ng kanilang cash cards sa patuloy na isinasagawang Unconditional Cash Transfer (UCT) Validation ng DSWD sa Rehiyon Dos.

Ang mga nasabing benepisyaryo ng UCT social pension at listahanan ay mula sa mga bayan ng Abulug (281), Allacapan (300), at Pamplona (287).

Katuwang ng kagawaran ang mga Municipal Social Welfare and Development Officers and Staff, Municipal at Barangay Officials, maging ang mga pinuno ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA), at Landbank of the Philippines sa pagpapatupad ng nasabing programa.

Ang UCT ay isa sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong matulungan ang mga mahihirap na lubhang naapektuhan ng Tax Reform and Inclusion (TRAIN) Law.

Source: DSWD Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles