Patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 ng Educational Assistance (EA) sa mga kwalipikadong indibidwal.
1,073 indibidwal ang matiyagang pumila at nakatanggap ng EA sa isinagawang pamamahagi sa City of Ilagan, Isabela noong Setyembre 17, 2022.
Samantala, nagkaroon din ng pamamahagi ng Educational Assistance sa iba’t ibang munisipalidad sa Rehiyon, katulad ng Solana, Cagayan, Sta. Fe, Nueva Vizcaya at iba pang bayan sa lambak ng Cagayan.
Nagkakahalaga ng Php3,051,000 ang naipamahagi sa buong rehiyon sa loob ng isang araw lamang at tinuturing na pinakamataas na halagang naibigay mula sa mga scheduled day ng payout.
Nais nang ahensya na makapagbigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo sa mga mamamayan.