14.3 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

DSWD RO2, nakahanda na sa pamamahagi ng food at non-food items sa pagdating ng bagyong “Mawar”

Nakahanda na ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office 2 para sa mga food at non-food items na ipapamahagi sa mga posibleng maapektuhan ng bagyong “MAWAR.”

Ayon kay Ginang Lucy Alan, Director ng DSWD na mayroong 27,334 food packs na naka-preposition na sa mga iba’t ibang Local Government Unit (LGU) sa buong Rehiyon Dos.

Mayroon din umanong stockpile sa mga warehouse na 32,436 sa Tuguegarao City, Lallo, Abulug Cagayan at Santiago City, Isabela at sa iba pang lugar.

Ang isang foodpack ay naglalaman ng anim na kilong bigas, delata at kape na magtatagal ng tatlong araw para sa pamilya na mayroong limang miyembro.

Bukod sa food packs ay nakahanda rin umano ang non-food items katulad ng kit na mayroong laman na kumot, malong, unan, at hygiene kit na nagkakahalaga ng Php31,227,648.

Samantala, tiniyak din ng Director na hindi expired ang food packs na kanilang ipapamahagi. Patuloy pa rin ang pag-iimbak ng nasabing foodpacks para sa paghahanda ng posibleng maapektuhan ng bagyong “Mawar” sa rehiyon dos.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles