Nagdulot ng ngiti at saya ang pamahalaan ng Department of Social Welfare and Development Region II (DSWD Region II) sa mga residente at benepisyaryo sa isinagawang Food Stamp Program Pilot implementation sa bayan ng San Mariano, Isabela noong January 25, 2024.
Ayon Kay Franco G Lopez, Officer-In-Charge, Assistant Regional Director for Operation, “Kahanga-hanga ang pamunuan ng San Mariano dahil tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na kung saan dito rin naganap ang pilot implementation, hindi maikakaila ang magandang epekto ng programa at ang maagap na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan.” Kaugnay nito, nagkaroon din ng orietation para sa mga magiging benepisyaryo upang mabigyan ng tamang kaalaman tungkol sa mga alintuntunin ng naturang programa.
Umabot naman sa 475 households ang sasailalim sa mga proseso ng naturang programa para sa matagumpay at maayos na implementasyon ng Food Stamp Program sa nasabing bayan. Inaasahang maipapamahagi sa mga mapipiling benepisyaryo ang kanilang Electronic Benefit Transfer (EBT) Cards sa susunod na buwan.
Ang EBT Card ay gagamitin ng benepisyaryo upang makapag-redeem ng mga produkto at masustansyang pagkain na nagkakahalaga ng tatlong libong piso (P3,000) na kinabibilangan ng carbohydrates (50%-P1500), protein (30%-P900) at fiber (20%-P600) sa mga accredited KADIWA retailers na sinuri at aprubado ng World Food Program.
Samantala, layunin ng pamahalaan ng Department of Social Welfare and Development na mabigyan ng tama at tapat na serbisyo ang komunidad upang mas lalo pang mapaigting ang magandang ugnayan at pagtutulungan ng pamahalaan at ng komunidad.
Source: DSWD Region II