Patuloy ang pag-arangkada ng mga tauhan ng DSWD Region II sa pamamahagi ng mga food packs, hygiene kits, mga gamot at mga sleeping kit sa mga naapektuhan ng bagyong “Paeng” simula palang noong araw na dumating dito ang bagyo hanggang ngayong araw sa buong Rehiyon Dos.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at pakikiisa ng mga kapulisan at iba pang sangay ng pamahalaan ng bawat lalawigan ay patuloy na napapamahagian ang mga mamamayan na naapektuhan ng matinding pagbaha sanhi nga ng walang humpay na pag-ulan dahil sa bagyo.
Layunin ng DSWD Region 2 na mabigyan lahat ng naapektuhan at mabigyan na rin ng agarang medical services ang ibang may karamdaman dahil napakahirap ang magkaroon ng ganitong sitwasyon sa panahon ng kalamidad.
Dagdag pa nito na kailangan damayan at tulungan ang ating mamamayan sa panahon ng ganitong kalamidad.
Source: DSWD Region II