Bumisita si DSWD Region 2 Regional Director Lucia Suyu-Alan at nakipagpulong kay City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que sa People’s Gymnasium, Tuguegarao City noong ika-26 ng Oktubre 2024.
Ayon sa pinakahuling ulat ng City Social Welfare and Development Office, umaabot na sa 35 barangay sa lungsod ang apektado ng pagbaha dulot ng bagyong Kristine.
Nasa kabuuang 5,778 na pamilya o 16,719 na indibidwal ang naapektuhan at karamihan ay nasa mga evacuation center sa mga barangay ng lungsod.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que na patuloy ang paghatid ng food packs sa mga apektadong pamilya.
Magugunita na sa kasagsagan ng bagyong Kristine ay agarang namahagi ang nasabing ahensya ng family food packs sa pamahalaang panlungsod alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tiyaking mabilis na makararating ang tulong sa mga apektadong residente.
Source: Tuguegarao City Information Office