Inumpisahan na ng Department of Social Welfare and Development Region 02 (DSWD 02) ang apat na araw na pamamahagi ng Senior Citizens Pension sa bayan ng Aparri na sinimulan noong ika-19 ng Setyembre 2023.
May kabuuang 5,675 Senior Citizens na recipients ang makakatanggap sa buong munisipalidad ng Aparri.
Pinangunahan ng mga kawani ng DSWD R02 ang pamamahagi ng pension sa pakikipag-ugnayan at tulong ng mga taga Municipal DSWD at pati na rin sa suporta ng aktibong Mayor Hon Bryan Dale G. Chan, na kinatawanan ni Executive Assistant Maximo Capia na namigay ng mensahe sa mga residente sa nasabing distribusyon.
Ang mga barangay na natapos ay ang Barangay Maura, San Antonio, Punta, Toran, Paddaya, Dodan at Tallungan na kung saan may kabuuang 2,426 ang Senior Citizens na nakatanggap ng pension nilang nagkakahalaga sa tatlong libong piso (Php3,000).
Ito ay sa ilalim ng Social Pension Program para sa mga mahihirap na senior citizen na naglalayon na makapagbigay ng karagdagang tulong para sa kanilang pang araw-araw na gastusin.
Source: DSWD Region 2