20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

DSWD, nanguna sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week para sa mga PWD sa Tuguegarao City, Cagayan

Ipinagdiwang ng Department of Social Welfare and Development Office 2 ang National Disability Rights Week para sa mga Person with Disabilities (PWDs) na ginanap sa SM City, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Sabado, ika-27 ng Hulyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng Department of Social Welfare and Development Office 2 kasama si Ms. Amalia A Decena, Sectoral Representative for PWD ng National Anti-Poverty Commission at si Franco G Lopez, Assistant Regional Director for Operations.

Naghandog ng libreng medical check-up, libreng vitamins at libreng masahe ang mga miyembro ng Department of Health Region 2.

Nagkaroon din ng Got Talent portion bilang bahagi ng programa kung saan nagpakita ng iba’t ibang talento ang mga benepisyaryo.

Kabuuang 71,500 na mga miyembro ng PWDs sa rehiyon ang nakiisa sa nasabing pagdiriwang.

Ang National Disability Rights Week ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga taong may kapansanan na ipakita ang kanilang husay at tiyaga, mamuhay ng normal sa lipunang ginagalawan at bigyang-diin ang kahalagahan nila sa lipunan sa kabila ng kanilang kapansanan.

Ang DSWD Region 2 at iba pang ahensya ng gobyerno ay patuloy na magtutulungan upang maisulong at mapataas ang kamalayan ukol sa mga karapatan ng mga taong may kapansanan tungo sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles