Nakatanggap ng tulong pinansyal ang 61 pamilya na apektado ng insurhensiya mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Development na ginanap sa Sitio Baguio Point, Barangay Lapi, PeƱablanca, Cagayan noong ika-16 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 ang aktibidad kasama ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Lokal na Pamahalaan ng PeƱablanca, Municipal Health Office at mga Barangay Officials ng naturang barangay.
Nagpaabot ang ahensya ng Php5,000 halaga ng tulong pinansyal sa bawat pamilya, gayundin ang pagkakaroon ng libreng medical check-up, libreng gamot, pamamahagi ng 78 Family Food Packs at pagbigay ng pensyon sa limang indigent senior citizens.
Ang naturang programa ay suporta sa naganap na sagupaan ng militar at grupong New Peopleās Army sa nasabing lugar at naglalayong mas paigtingin pa ang pagtulong sa malalayong komunidad upang matulungan silang magkaroon ng mas maayos at masaganang pamumuhay.
Source: DSWD Region II