Tumanggap ng Php50,000 bawat isa ang pitong benepisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program (BP2P) sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 1 sa Alilem, Ilocos Sur, nitong Mayo 11, 2022.
Ang halagang ito ay ang Livelihood Settlement Grants (LSG) ng DSWD 1 bilang suporta sa mga indibidwal na piniling bumalik at permanenteng mamuhay sa probinsya mula Metro Manila na kanilang magagamit para sa kanilang pagbiyahe, pangangailangan ng pamilya, kabuhayan, edukasyon, pabahay at iba pa.
Malaki ang naging pasasalamat ni Ginang Leticia C. Diaz, 56, isa sa mga benepisyaryo na residente ng Brgy. Kiat, Alilem, Ilocos Sur, sa DSWD sa pagbibigay sa kaniyang pamilya ng livelihood grant na makatutulong sa kanila upang makapagsimulang muli at pinangako na gagamitin ng maayos para sa kanilang kabuhayan sa probinsya.
Ang BP2P ay ipinapatupad ng DSWD sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) Program upang matugunan ang kasikipan sa mga kalungsuran ng Metro Manila sa pamamagitan ng paghikayat sa publiko lalo na ang mga informal settlers na bumalik sa kanilang mga probinsya.
Source:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=328278579427149&id=100067350288950