14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

DSWD muling nagpadala ng relief items sa Batanes

Muling nagpadala ng karagdagang Family Food Packs at kitchen kits ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na lumapag nitong Lunes, ika-19 ng Setyembre 2022 sa lalawigan ng Batanes.

Sa patuloy na namumuong sama ng panahon malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR), minabuti ng kagawaran na maging mas handa sa pagpasok ng bagyo sa lalawigan sa pamamagitan ng pag-iimbak ng sapat na FFPs upang mabilis itong maipamigay sa oras ng pangangailangan.

Dumating sa Batanes ang 1,000 FFPs at 356 kitchen kits sa tulong ng Philippine Navy at Office of Civil Defense Region 2.

Samantala, tulong-tulong naman ang Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Philippine Marine Corps sa pagdiskarga at pagdadala ng mga relief packs mula sa daungan patungo sa Logistic Hub ng lalawigan.

Sa kabuuan, ang Batanes Field Office ay mayroong 3,280 FFPs at 356 kitchen kits na nakaimbak sa Provincial Logistics Hub na pinamumunuan ng Provincial Local Government Unit, 783 naman ang nasa LGU Basco, 500 sa LGU Itbayat, 441 sa Uyugan, 552 sa Mahatao at 444 ang nasa bayan ng Ivana.

Source: DSWD Field Office 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles