15.5 C
Baguio City
Sunday, November 10, 2024
spot_img

DSWD II, namahagi ng tulong sa mga katutubo

Sinimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Rehiyon Dos ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng Enhanced Support Service Intervention (ESSI) para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong Hunyo 4, 2024.

Sa kabundukan ng Barangay Napo, isang Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA), namahagi ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng Php450,000 sa 18 benepisyaryo.

Ang naturang tulong ay bahagi ng layunin ng ESSI na matulungan ang mga Indigenous People (IP) o katutubong benepisyaryo sa pagtugon sa kanilang pangunahing pangangailangan.

Ayon sa DSWD, ang ESSI ay matulungan ang mga benepisyaryo ng 4Ps na magampanan ang mga kondisyon ng programa, mapabuti ang antas ng kanilang pamumuhay, at mapangalagaan ang kanilang karapatan, kultura, at tradisyon.

Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng DSWD sa pagtulong sa mga malalayong komunidad upang matulungan silang magkaroon ng mas maayos at masaganang buhay.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles