16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

DSWD FO2, patuloy ang pamahahagi ng Social Pension sa mga senior citizen

Umabot na sa 71.30% o 174,284 na mga senior citizen sa Lambak ng Cagayan ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Pension Program na ipinapamahagi ng DSWD FO2.

Kasama rito ang mga indigent o mahihirap na senior citizen na walang anumang tinatanggap na pension, walang permanenteng pinagkakakitaan o walang regular na suporta ng pamilya para sa mga pangunahing pangangailangan.

Ngayong taon ay nahati sa dalawang semester ang pamamahagi ng social pension kung saan bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng 3,000 para sa unang semester mula Enero hanggang Hunyo.

Sa kasalukuyan, mula sa 93 na mga lokal na pamahalaan sa Rehiyon Dos ay nasa 79 na rin ang natapos na ang isinasagawang pay-out.

Ito ay isa sa mga programa na ipinapatupad ng Department of Social Welfare and Development na layuning maibsan ang hirap ng mga kwalipikadong benepisyaryo at makatulong sa kanilang pangangailangang medikal.

Layunin ng programa na mapangalagaan at maprotektahan ang mga matatanda kung saan sila ay makakatanggap ng 500 pesos na buwanang pension.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles