Nagpapatuloy ang monitoring ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) sa mga aktibidad sa ilalim ng Project LAWA at BINHI ng Risk Resiliency Program.
Sa kasalukuyan, patuloy ang cash-for-work (CFW) ng mga partner-beneficiaries mula sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.
Ito ay kinabibilangan ng Pamplona, Camalaniugan, at Sta. Teresita sa Cagayan; San Mariano, Isabela; Cabarroguis, Quirino, at Kasibu, Nueva Vizcaya.
Ang CFW ay ang ikalawang yugto ng Project LAWA at BINHI. Ito ay nakatuon sa paggawa ng small farm reservoir (SFR) at pagbuo ng communal garden.
Sa loob ng 15 araw, ang mga partner-beneficiaries ay makikilahok sa naturang mga aktibidad na naglalayong mapabuti ang sapat ng suplay ng tubig at seguridad sa pagkain sa kanilang komunidad.
Ang Project LAWA at BINHI ay layuning matugunan at maiwasan ang problema sa pagbaha na dulot ng La Niña.
Malaki rin ang naitulong ng proyektong ito sa pagtugon sa kakulangan ng tubig at pagkain na dulot naman ng El Niño.
Source: DSWD Region II