Namahagi ng Family Food Packs (FFPs) ang Department of Social Welfare and Development Office 2 (DSWD FO2) sa coastal town ng Dinapigue, Isabela noong ika-18 ng Nobyembre, 2024.
Isa ang Dinapigue sa Isabela sa mga coastal towns ng rehiyon, kung saan sa kabila ng layo nito, hindi ito naging hadlang sa DSWD Field Office 02 upang makapaghatid ng agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyong Nika, Ofel at Pepito sa evacuation centers at sa mga nasa labas nito.
Katuwang ng ahensya ang Municipal Social Welfare and Development Office ng Dinapigue, Isabela, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na distribusyon ng tulong.
Patuloy na maghahatid ng serbisyo at tulong ang DSWD FO2 sa mga mamamayang nangangailangan sa panahon ng kalamidad, patunay na ang lokal na pamahalaan ay handang makiisa para sa ligtas, maayos at mapayapang bagong Pilipinas.
Source: DSWD Region II