Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2), kasama si Senator Maria Imelda Josefa Remedios “Imee” Marcos, ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa 4,600 na biktima ng bagyo sa Allacapan at Buguey sa Cagayan; at Sta. Maria at Ramon sa Isabela noong Nobyembre 27, 2022.
Si Senator Marcos ay personal na nagtungo sa lalawigan ng Cagayan at Isabela para sa pagbibigay ng tulong at nagpahayag ng kanyang pakikiramay sa mga taong naapektuhan ng bagyo.
Dumalo sa aktibidad sina DSWD FO2 Regional Director Lucia Suyu-Alan, Provincial Governor of Cagayan Manuel Mamba, Provincial Governor of Isabela Rodolfo Albano III, Party List – LPGMA Hon. Allan U. Ty, PIA Regional Director Angely Mercado, iba pang kawani ng PIA, at iba pang Local Chief Executives.
Ang AICS ay isang programa ng Department of Social Welfare and Development na nagbibigay ng tulong pinansyal upang suportahan ang pagbangon ng mga indibidwal at pamilya mula sa mga hindi inaasahang krisis tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, mga kalamidad at iba pang sitwasyon ng krisis.
Bawat benepisyaryo sa Allacapan, Buguey, Sta Maria, at Ramon ay nakatanggap ng Php3,000. Umabot sa kabuuang Php11,000,000 financial assistance ang umabot sa 4,600 pamilyang naapektuhan ng bagyo mula sa field office.
Source: DSWD Region II