21.8 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

DSWD FO2, nakilahok sa pagdiriwang ng National Crime Prevention Week

Nakilahok ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) sa sangay ng mga regional line agencies sa Lambak Cagayan na sumuporta sa tatlong araw na pagdiriwang ng ika-30 selebrasyon ng National Crime Prevention Week mula Setyembre 2-4, 2024 sa Robinson’s Place Tuguegarao.

Ito ay pinangunahan ng National Police Commission Region 2 na naglalayong paigtingin pa ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga krimeng laganap sa bansa. Naging daan ito upang ibahagi ni Regional Information Officer Hannah Gracielle C. Malillin ang mga programa ng Protective Services Division ng ahensiya na maaaring lapitan ng mga tao.

Ayon kay Malillin, bukas ang ahensiya na tumulong sa mga taong maaaring maging biktima ng mga krimen. Ito aniya ay bilang isa sa pangunahing mandato ng ahensya na isulong, pangalagaan at protektahan ang social welfare ng mga mamamayan ng bansa.

Kaugnay dito, namahagi rin ang ahensya ng mga information, education and communication (IEC) materials na tampok ang mga programa at serbisyo ng kagawaran. Kabilang na rito ang pagprotekta sa sektor ng kabataan laban sa cybercrime. Ayon sa ahensiya, ang kanilang sektor ang isa sa pinaka-vulnerable pagdating dito.

Sa kabilang banda ay dumalo rin si Ms. Claudine I. Amid ng Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons na nagbigay kaliwanagan sa katanungan ng mga kalahok na may kaugnayan sa ahensiya.

Naroon din ang presensya ng iba pang mga kawani ng pamahalaan sa rehiyon na kinabibilangan ng Philippine National Police at mga sangay nito, Office of the Civil Defense, Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Fire Protection, LGU Tuguegarao sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Pugad Lawin Philippines, Inc. – Cagayan Chapter, Golden Express of the North – Lady Eagles Club at mga mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles