Matagumpay na isinagawa ng DSWD Field Office 02 ang pangalawang batch ng Camp Coordination and Camp Management (CCCM) at Internally Displaced Persons (IDP) Protection Training ng apat na araw mula Abril 1-4, 2025 sa Piazza Zicarelli Hotel.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kapasidad ng mga lokal na opisyal at kawani sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga internally displaced persons, lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad. Dito, ibinahagi ang mga mahahalagang konsepto, estratehiya, at praktikal na kaalaman sa maayos na pamamahala ng mga evacuation center, proteksyon ng mga IDP, at tamang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan at mga LGU.

Dinaluhan ang pagsasanay ng 40 kalahok mula sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, at Quirino. Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at mga kawani ng SWAD Isabela at C/MATs ng Isabela.
Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng patuloy na hakbang ng ahensya upang masiguro ang epektibong pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya sa panahon ng krisis.
Source: DSWD Region II