14.5 C
Baguio City
Saturday, January 25, 2025
spot_img

DSWD FO2, naghatid ng tulong pinansyal sa mag-aaral at residente sa bayan ng Divilican at Maconacon

Nagsagawa ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad ng Panlipunan ang Rehiyon Dos ng distribusyon ng tulong pangpinansyal para sa mga mag-aaral ng Divilican at Maconacon noong Mayo 18-19, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan nina Regional Director Lucia Alan at Cong. Antonio Albano at sa tulong ng kawani ng Social Welfare and Development Office Isabela, Lokal na Pamahalaan ng Maconacon at Divilacan, Municipal Social Welfare and Development Officers ay naipamahagi ang educational assistance.

Umabot sa 238 na mga benepisyaryo mula sa bayan ng Maconacon at 288 sa Divilacan, probinsya ng Isabela.

Umabot sa Php526,000 ang kabuuang halaga ng tulong ang naipamahagi sa mga estudyante ng dalawang munisipalidad.

Maliban dito, namahagi rin ang kagawaran ng tulong pinansyal na pang-medikal sa mga residente ng nasabing mga bayan.

Ang tulong pinansyal ay mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na may layuning tulungan ang mga mahihirap nating kababayan na nakakaranas sa krisis upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles