Nagbigay ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 sa pamilya ng nasawing rebelde na si Ka Jorly sa Sitio Pallay, Baliuag, Baliuag sa bayan ng Peñablanca, Cagayan noong ika-17 ng Setyembre, 2024.
Ang nasabing rebelde ay nasawi sa naganap na bakbakan ng militar at teroristang grupong NPA nitong nakaraang linggo.
Sa pakikipag-ugnayan ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army, nakatanggap ng Php20,000 ang kanyang ina sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng ahensiya.
Ang paggawad ay pinangunahan nina Regional Director Lucia S. Alan, LtCol Ford Asilyao, Commander ng 17IB, kasama si EO70 focal person Magdalena Siazon.
Source: DSWD II