Ibinahagi ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos (DSWD FO2) ang Listahanan 3 Database sa mga bayan ng Amulung, Aparri at Peñablanca, Cagayan na kung saan naganap ang Data Sharing Agreement.
Kaugnay nito, ang Listahanan 3 Database ay isang information system na kung saan maaaring magamit ito ng stakeholders upang maging basehan sa pagpili ng mga benepisyaryo sa kanilang mga ipapatupad na programa at serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.
Layunin ng programang ito na maabutan ng tulong at matugunan ang pangangailangan ng mga hikahos na mamamayan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.