Bilang paghahanda para sa posibleng epekto ng Bagyong “Goring”, dumalo ang mga kawani ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan ng Rehiyon Dos (DSWD FO2) sa isang Prepared Response Meeting kasama ng iba pang kawani ng DSWD mula sa iba’t ibang rehiyon, ngayong araw, ika-26 ng Agosto 2023.
Ang pagpupulong ay isinagawa upang matiyak na sapat ang mga kagamitan ng kagawaran para sa maagap na pagresponde at pagbibigay ng tulong sa mga maaaring maapektuhan ng bagyo.