16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

DSWD FO2 at PCC, lumagda sa isang MOA tungkol sa Milk Feeding

Para madagdagan ang nutritional needs ng mga bata sa Child Development Centers (CDC) at Supervised Neighborhood Play (SNP), nilagdaan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Philippine Carabao Center (PCC) para sa pagbibigay ng gatas sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Supplemental Feeding Program (SFP).

Ang MOA sa pagitan ng dalawang ahensya ay bahagi ng 12th cycle ng Milk Feeding Program ng SFP, na magpapatuloy mula Nobyembre 2022 hanggang Marso 2023, bilang bahagi ng mandato ng DSWD sa ilalim ng “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act” na tugunan ang undernutrition sa mga batang Pilipino.

Ang MOA signing ay pinangunahan ni DSWD FO2 Regional Director Lucia Alan, Assistant Regional Director for Administration Celso Arao, Jr., OIC-Assistant Regional Director for Operations Franco Lopez, PCC OIC-Director Rovina Piñera, at Regional Milk Feeding Coordinator Aileen Bulusan.

Ang milk supplementation para sa mga bata sa CDC/SNP ay higit pa sa mga regular na pagkain na ibinibigay ng DSWD FO2 bilang karagdagang kontribusyon sa Early Childhood Care and Development program ng gobyerno.

Nakatakdang pagsilbihan ng programa ang humigit-kumulang 3,872 bata mula sa 28 Local Government Units sa buong rehiyon, na may kabuuang pondong alokasyon na Php8,828,160.

Source: DSWD Region 2 FB Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles