20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

DSWD Field Office CAR, pinaigting ang mga Relief Efforts bilang tugon sa epekto ng Bagyong Carina

Bilang bahagi ng patuloy na pangako na suportahan ang mga apektadong komunidad, pinaigting ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office CAR kasama ang mga miyembrong ahensya ng Response and Early Recovery Cluster ang pagsisikap sa pagtulong bilang tugon sa epekto ng Southwest Monsoon na pinalakas ng Bagyong Carina sa iba’t ibang bahagi ng Cordillera.

Kasama sa isinagawang walang tigil na operasyon ng logistik ang paghakot at pagdadala sa mga satellite warehouse sa buong rehiyon, paglalagay ng mga Family Food Packs sa Abra at sa pagdadagdag sa Ifugao, at pagpapadala ng regional warehouse ng mga laminated sacks sa Provincial LGU para ipamahagi sa mga pamilyang may bahagyang nasirang bahay.

Patuloy din ang mga pagsisikap na protektahan at suportahan ang mga internally displaced person (IDP).

Ang mga paghahanda ay ginawa para sa pamamahagi ng mga baby diapers sa mga IDP sa Abra.

Samantala, ang SWAD Benguet team ay bumisita din sa mga IDP sa Puguis, La Trinidad, Benguet upang magbigay ng kinakailangang tulong.

Sa ngayon, may kabuuang 64 FFPs, kasama ang 50 hygiene kits, 44 family kits, 44 kitchen kits, at 44 sleeping kits sa mga IDP sa buong Abra, Baguio City, Benguet, at Mountain Province.

Tinitiyak naman ni Regional Director Maria Atitiw Catbagan-Aplaten na ang Field Office ay patuloy sa pangako nito na pagbibigay ng napapanahon at epektibong tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles