14.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

DSWD Field Office 1, sinimulan na ang Risk Resiliency Program sa bayan ng Pangasinan

Sinimulan na ang Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation – Disaster Risk Reduction (RRP-CCAM-DRR) sa bayan ng Pangasinan.

Ang proyekto ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ay tatakbo sa pamamagitan ng Cash-for-Work nito lamang Miyerkules, ika-16 ng Nobyembre 2022.

Ang nasabing aktibidad ay binubuo ng mahigit na 7,555 na benepisyaryo ng Pangasinan na inaasahang tutulong sa mga proyektong tree planting, organic farming, communal gardening, pagtatayo ng hydroponics at mangrove planting.

Ang RRP-CCAM-DRR ay isang proyekto ng DSWD na nagbibigay ng pampasahod sa mga magtatrabaho sa proyekto ng lokal na pamahalaan.

Hinihikayat ng DSWD Field Office 1, ang mga benepisyaryo na makiisa at makilahok sa mga proyekto at aktibidad lalong-lalo na sa pangangalaga ng ating kalikasan para maiwasan ang mabilis na pagbaha, pagguho ng lupa at global warming.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles