Pinaigting ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1) ang kanilang relief operation upang tulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon “Carina.”
Sa kasalukuyan, nakapagbigay na ang DSWD FO1 ng kabuuang 4,686 Family Food Packs (FFPs), 65 Hygiene Kits, at 70 Sleeping Kits na nagkakahalaga ng Php3,912,707.98. Ang mga tulong na ito ay direktang napunta sa mga pamilyang apektado ng bagyo.
Ang layunin ng Kagawaran ay magbigay ng agarang tulong sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na makakatanggap ng kinakailangang suporta ang mga pamilyang nasalanta ng kalamidad at walang maiiwan sa panahong ito ng pagsubok.