20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

DSWD Field Office 1, patuloy sa pamamahagi ng tulong sa mga apektadong lugar ng Ilocos Region

Patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1) ng karagdagang tulong para sa mga pamilyang lubhang sinalanta ng sunud-sunod na bagyo sa rehiyon.

Sa nakalipas na halos tatlong linggo, kasabay ng epekto ng Bagyong Kristine, Ofel, at ang banta ng paparating na Bagyong Pepito, nakapaghatid na ang ahensya ng kabuuang 144,266 food at non-food items, kabilang na ang 6L bottled drinking water, sa mga Local Government Units (LGUs) sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.

Kahapon lamang, nasa 2,852 family food packs (FFPs) ang naipamahagi sa bayan ng Bangui, Ilocos Norte. Ang distribusyon ay nito lamang ika-15 ng Nobyembre, 2024, upang matugunan ang pangangailangan ng iba pang munisipalidad sa Ilocos Norte, gayundin sa mga karatig-probinsiya.

Ayon sa DSWD FO 1, aktibo ang kanilang koordinasyon sa mga LGU upang matiyak na sapat ang suplay ng tulong para sa mga apektadong pamilya. Bukod sa family food packs, sinisiguro rin ng ahensya ang kahandaan ng iba pang resources upang tugunan ang mga posibleng epekto ng paparating na bagyo.

Ang DSWD FO 1 ay nananatiling bukas sa mga kahilingan ng mga LGU para sa karagdagang tulong at inihahanda na rin ang mga suplay sakaling lumala ang epekto ng kalamidad.

Patuloy namang nananawagan ang ahensya sa publiko na maging handa at mag-ingat sa gitna ng nagpapatuloy na panahon ng bagyo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles