Patuloy ang paghahatid ng programa at serbisyo ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa mga residente ng Rosales, Pangasinan sa pamamagitan ng Information Serbisyo Caravan nito lamang Lunes, ika-24 ng Abril 2023.
Ayon sa DSWD Field Office 1, dito naipaliwanag ang mga alituntunin, kwalipikasyon, at iba pang impormasyon upang mapakinabangan ang mga programa at serbisyong ibinibigay ng ahensya para sa kanila.
Pagkatapos dumaan sa Food-for-Training, tumanggap ang mga dumalo ng tig-isang family Food Pack.
Nabigyan din ng tulong pinansyal ang mga residenteng nangangailangan ng suporta lalung-lalo na sa medikal na pangangailangan.
Samantala, patuloy naman ang DSWD Field Office 1 na ilapit ang mga mamamayan sa kanilang serbisyo para mas guminhawa ang kanilang pamumuhay.