16.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

DSWD Field Office 1, namigay ng higit 400 na bote ng bitamina para sa mga batang edad 1-13

Bauang, La Union – Namigay ng higit 400 na bote ng bitamina ang DSWD Field Office 1 sa mga batang edad 1-13 na isinagawa sa Solomon Island, Pugo, Bauang, La Union.

Pumalaot ang miyembro ng DSWD Field Office 1 sa nasabing lugar upang maihatid ang bitamina na pinangunahan ni Dr. Mary Grace D Del Castillo, Medical Officer III kasama ang Administrative Assistant III ng Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) Officers na sina Edwarson S Peralta, Arman B. Ismael at Marco Jameel D Peralta at ang kawani ng Barangay.

Labis ang tuwa ng mga bata at mga magulang na nabigyan ng nasabing bitamina para sa kalusugan ng mga batang edad 1-13.

Ayon kay Dr. Del Castillo, hindi titigil ang ahensya sa pamimigay ng bitamina sa iba’t ibang barangay na higit na nangangailangan sa buong Region 1 upang makatulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng mga bata lalung-lalo na sa mga malalayong lugar.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles