22.9 C
Baguio City
Tuesday, November 19, 2024
spot_img

DSWD Field Office 1, namigay ng cash assistance sa Pagudpud, Ilocos Norte

Pagudpud, Ilocos Norte – Namigay ang Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ng cash assistance para sa mga pamilya at indibidwal sa Barangay Pancian at Barangay Pasaleng, Pagudpud, Ilocos Norte nito lamang Martes, Ika-01 ng Nobyembre 2022.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni DSWD Field Office 1 Assistant Regional Director for Operations Marlene Febes D. Peralta.

Ayon kay DSWD Field Office 1 ARDO Peralta may kabuuang 1,568 na pamilya ang target na mabigyan ng Php5,000 at Family Food Packs bilang tulong para sa kanilang pagbawi.

Bukod pa dito, nabigyan din ang ilang mga senior citizen at buntis ng 6 liters bottled drinking water bilang karagdagang tulong.

Layunin ng DSWD Field Office 1, na hindi titigil sa pagbabahagi ng tulong tulad ng kanilang mga pangako sa mamamayan na tulungan ang mga kababayan na makaahon sa kahirapan.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles