Namahagi ng Transitory Family Support Packages at Livelihood Settlement Grant Financial Assistance ang Department of Social Welfare and Development 1 sa iba’t ibang munisipyo ng Ilocos nitong Huwebes, Hunyo 30, 2022.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng DSWD Field Office 1 Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS).
Mahigit kumulang 400 na benepisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Program sa rehiyon ng Ilocos ang mabiyayaan ng nasabing tulong upang makapagsimula sa kanilang pamumuhay.
Ayon pa sa DSWD Field Office 1 inilatag ng Lokal na Pamahalaan ang mga nakahandang programa at serbisyong aalalay bilang pagsuporta sa mga nagtapos na benepisyaryo para sa kanilang patuloy na pag-unlad.
Isinagawa ang naturang aktibidad upang bangunin ang ating mga kapwa Pilipino upang magkaroon sila ng bagong pag-asa at bagong kaginhawaan sa buhay.
Bukod pa dito, layunin din ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng mamamayan at ng ating gobyerno tungo sa maayos at tahimik na pamayanan.