Namahagi ang DSWD Office 1 ng masusustansyang pagkain katulad ng gatas, prutas at gulay sa mga mag-aaral sa Child Development Center ng Adams, Ilocos Norte nito lamang Huwebes, ika-22 ng Setyembre 2022.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1, tinatayang nasa 80,152 na mga mag-aaral ang mabebenipisyuhan sa ilalim ng DSWD Field Office 1 Supplementary Feeding Program (SFP).
Ayon pa sa DSWD Field Office 1, nagsagawa rin ang mga SFP Staff ng monitoring sa taas at baba ng timbang ng mga bata, wastong paghugas ng kamay at pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
Ang nasabing aktibidad ay isasagawa sa loob ng 60 na araw at kasalukuyang nasa 12th cycle na ang programa.
Source: DSWD Field Office 1