15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

DSWD Field Office 1 at Provincial Government of La Union, pinirmahan na ang Memorandum of Agreement para sa Home for the Elderly

Pinirmahan na ng Department of Social Welfare Development at Provincial Government of La Union ang Memorandum of Agreement para sa establishimyento ng Home for the Elderly sa La Union.

Hindi maitago ni Governor Raphaelle Veronica Ortega-David ang kanyang pananabik habang nagpapasalamat sa Field Office sa pamumuno ni Regional Director, Marie Angela S. Gopalan.

“With this, we can showcase po yung lubos na suportang nais nating ibigay sa ating mga minamahal na nakakatanda. Hindi po ito magiging posible kung hindi po dahil sa collaboration and partnership between the Provincial Government of La Union and of course, DSWD Field Office 1. Ito pong pagtutulungan na ito ay isa lang po sa napakarami at madami pang pagsasama para po makapagbigay serbisyo sa ating
Kaprobinsyahan,” ani ng Lady Governor.

Ipinahayag naman ni RD Gopalan ang kanyang pasasalamat sa PGLU sa pagtanggap ng hamon sa pagpapatakbo ng pasilidad.

“We can see that this is how proper governance works. We look at the situation, kung saan nangangailangan at dun tayo de-develop ng mga interventions and services na umaakma sa mga pangangailangan ng mga sector na ito. Hindi lang dapat iisa, that’s why it is really important that we partner and work together,” ani ni RD Gopalan.

Samantala, patuloy pa din naman ang mga namumuno sa probinsya ng La Union na kanilang ilalapit ang serbisyo sa kanilang nasasakupan nang sa gayon ay mas guminhawa ang kanilang pamumuhay.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles