Namahagi ng family food packs ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development Cordillera sa mga market vendors na nasunugan sa Baguio City Public Market nito lamang Marso 13, 2023.
Katuwang ng DSWD sa pamamahagi ang Office of Civil Defense Cordillera, ARESCOM, Baguio City Police Office, Public Order and Safety Division at City Social Welfare and Development Office ng Lokal na Pamahalaan ng Baguio at volunteers.
Samantala, humigit kumulang 2,200 DSWD family food packs ang inihanda ng DSWD Field Office CAR para sa mga apektadong market vendors (Block 3 and Block 4) kung saan nasimulan din ang pamamahagi ng mga food packs.