16.2 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

DSWD Central Luzon naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Bulacan

Naghatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development III sa mga nasunugan sa Victor Street, Brgy. Poblacion, San Miguel, Bulacan nito lamang ika-21 ng Agosto 2022.

Ayon sa datos na nakalap ng Disaster Response Management Division ng Department of Social Welfare and Development Field Office III, apat na pamilya at walong indibidwal ang naitalang naapektuhan ng sunog.

Personal na binisita ng mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office III at DSWD Provincial Extension Office ng Bulacan ang mga biktima ng sunog upang ipaabot sa bawat pamilya ang isang family food pack, hygiene kit, family kit at sleeping kit.

Patuloy pa din ang koordinasyon ng ahensya sa Lokal na Bayan ng San Miguel para umantabay sa mga pangangailangan ng mga nasunugan.

Patunay lamang na ang ating gobyerno ay kaagapay sa anumang kalamidad.

Source: DSWD Central Luzon

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles