23.8 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

DSWD-AKAP Program, namahagi ng tulong sa Apayao

Namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng programa na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa Marag Valley, Luna, Apayao nito lamang Nobyembre 11, 2024.

Ang AKAP ay matagumpay na nakapamahagi ng Php5,000.00 sa bawat pamilya ng 208 na pamilyang dumalo sa nasabing programa na lubos na naapektuhan ng bagyong Marce.

Nakiisa rin sa programa ang lokal na pamahalaan ng Luna. Ito ay upang makatulong sa muling pagbangon ng Luna , Apayao upang makatulong sa pagpapanumbalik ng kabuhayan ng mga residente.

Ang programang ito ay naglalayong makatulong sa bawat mamamayan sa pamamagitan ng tulong pinansyal lalo na sa mga higit na nangangailangan sa kabila ng anumang krisis na dumating at masigurong nasa maayos silang kalagayan.

Source: DSWD FO CAR

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles