20.7 C
Baguio City
Friday, November 15, 2024
spot_img

DSWD 2, patuloy ang pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo

Mula noong pananalasa ng Severe Tropical Storm Florita sa Northern Luzon, ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) ay nagpapatuloy sa kanilang disaster response relief efforts sa mga apektadong pamilya sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Humigit kumulang 1,540 na benepisyaryo mula sa mga munisipalidad ng Baggao, Peñablanca, Iguig sa Cagayan, at San Pablo sa Isabela ang nakatanggap ng Family Food Packs (FFPs) sa isinagawang relief augmentation noong Setyembre 1-2, 2022.

Ang bawat FFP ay naglalaman ng anim (6) na kilo ng bigas, apat (4) na lata ng corned beef, apat (4) na lata ng tuna flakes, dalawang (2) lata ng sardinas, limang (5) sachet ng 3-in-1 na kape at limang (5) sachet ng powdered cereal drink na sapat para sa limang miyembro ng isang pamilya para sa dalawang araw.

Samantala, habang ang Cagayan Valley ay nasa yugto na ng pagbawi kasunod ng pinsalang dulot ng bayong Florita, ang field office ng tanggapan ay nananatiling alerto at handa sa posibleng epekto ng Super Typhoon Henry.

Patuloy na tinitiyak ng DSWD FO2 ang sapat na supply ng Food and Non-Food Items na ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa panahon ng krisis.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles