Namahagi ng tulong ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos (DSWD FO2) sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Goring sa iba’t ibang munisipalidad sa Cagayan at Isabela.
Personal na binisita ni Regional Director Lucia Suyu-Alan ang sitwasyon ng mga Internally Displaced Persons (IDPs) sa Sto. Nino, kung saan nagpaabot ang ahensya ng 86 Family Food Packs (FFPs) na may kasamang champorado at arrozcaldo insta meals para sa mga apektadong pamilya. Sa ibang parte ng lalawigan, namahagi rin ng 397 FFPs sa Aparri, 79 FFPs sa Lasam, at 9 sa Baggao, Cagayan.
Samantala, nabigyan din ng tulong ang mga indibidwal sa bayan ng Reina Mercedes (1 FFP at 1 Hygiene Kit) at Maconacon (91 FFPs) sa lalawigan ng Isabela.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa iba’t ibang LGUs upang malaman ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan para sa agarang tulong na maibibigay sa mga biktima ng bagyo.
Source: DSWD Region 2