Natapos na ang itinayong Diadi National High School Multi-Purpose Building ng Department of Public Works and Highways Nueva Vizcaya First District Engineering Office (NVFDEO) sa Diadi, Nueva Vizcaya.
Ang naturang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Regular Infra FY 2022 – Basic Infrastructure Program (BIP) kasama ang pinuhunang Php2 million.
Ang ipinatayong Multi-Purpose Building ay may sukat na 39.0 meters x 15.00 meters na maaaring gamitin sa iba pang curricular activities.
Ang Diadi National High School Multi-Purpose Building ay patunay na ang Pamahalaan ay handang sumuporta sa pangangailangan ng mamamayan sa larangan ng edukasyon.