15.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

DOT at Baguio City Government, pumirma sa Tourist Rest Area Agreement

Lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang Baguio City Government at Department of Tourism (DOT), Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) para sa itatayong Tourist Rest Area (TRA) sa Kennon Road Lions Head, sa Baguio Country Club, Baguio City nito lamang Disyembre 6, 2022.

Ang MOA ay pinirmahan ni Mayor Benjamin Magalong, DOT Sec. Christina G Frasco at TIEZA Chief Operations Officer Mark Lapid, saksi ang mga kinatawan ng City Legal Office, TIEZA Board Members, Cordillera and City Tourism at iba pang mga opisyal.

Ang nasabing MOA ay naglalahad ng TRAs Guidelines, Management at Maintenance. Alinsunod sa direktiba ng Pres. Ferdinand Marcos Jr., para sa pagpapabuti at pagpapaganda ng mga tourist spots sa buong bansa.

Ang itatayong TRA ay makapaglalagay ng Pasalubong Center, Information Center, View Deck at malinis na palikuran para sa mga turista at ating kababayan na nais makita ang zigzag view road mula sa pinakamataas ng elebasyon.

Sa kabuuhan, 10 TRAs ang planong maitayo bago matapos ang taon sa iba’t ibang lugar ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles