14 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

DOST-SEI Scholarship, isinulong ng DALUMAT

Pinangunahan ng ALPHAtr1 youth ang kampanya: Dakilang mga Anak ng La Union para sa Matematika, Agham, at Teknolohiya sa iba’t ibang paaralan sa Agoo, La Union sa tulong ng DOST – SEI Region 1.

Sa ilalim ng pangangasiwa at paggabay ng Scholarship Coordinator ng Don Mariano Marcos Memorial State University – South La Union Campus na si Prof. Melody P. Tumanan, hinikayat ng mga iskolar ang mga Grade 12 students ng Saint Mary’s Academy, Don Eufemio F. Eriguel Memorial National High School, Agoo Kiddie Special School, at Agoo Montessori Learning Center na mag-aplay para sa 2023 Undergraduate Scholarship ng DOST-SEI.

Tinalakay ng mga iskolar ang dalawang magkaibang uri ng DOST-SEI 2023 Undergraduate Scholarship, ang mga priority na kurso sa S&T, ang placement ng pag-aaral, mga pribilehiyo ng scholarship, kung sino ang maaari at kailan mag-aplay, at kung paano magrehistro sa pamamagitan ng e-application.

Ibinahagi din ng mga iskolar ang kanilang mga karanasan habang pinoproseso ang kanilang mga papeles, kung paano sila naghanda para sa pagsusulit, at ang kanilang mga karanasan sa pen-and-paper exam proper, kasama na ang saklaw ng pagsusulit.

Ang layunin ng kampanya ay hikayatin ang mga mag-aaral na magtatapos sa Grade 12 na mag-aplay para sa scholarship at ituloy ang isang degree sa Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM).

Samantala, patuloy naman ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagsasagawa ng mga programa at aktibidad kung saan makikinabang ang mamamayang Pilipino.

Source: DOST Region 1 – Scholarship Unit

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles