21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

DOLE Region 2, nagbigay ng Php1.1M halaga ng Kabuhayan Starter Kit projects sa mga Manggagawa sa Nueva Vizcaya

Iginawad ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 ang
45 na starter kits na nagkakahalaga ng Php1,138,400.00 na binubuo ng mga kasangkapan at kagamitan para sa mga mahihirap na manggagawa sa munisipalidad ng Bambang, Nueva Vizcaya sa pamamagitan ng isang simpleng programa na ginanap sa San Antonio South Covered Court, Bambang, Nueva Vizcaya.

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng mga starter kit tulad ng Auto Repair Shop na may Vulcanizing Services, Motorcycle Repair Services, Rice Retailing, Snack and Frozen Vending, Dressmaking/Tailoring, Lutong Ulam Vending, Street Food Vending, Organic Vegetable Crop Production & Selling, Sari-sari Store na may Frozen Goods, Welding Services, Barber Shop and Hair Care Services, Electrical services, at Baking and Pastry.

Ang awarding ceremony ng livelihood assistance ay pinangunahan ni DOLE-Nueva Vizcaya Field Office Head Elizabeth U. Martinez, sa ngalan ni Regional Director Joel M. Gonzales.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni PD Martinez na ang mga starter kits ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga benepisyaryo na magsimula ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga kasangkapan at kagamitan na akma sa kanilang kasanayan.

Samantala ay isinagawa din ang Business and Work Improvement Course (BWIC) upang tulungan ang mga benepisyaryo sa wastong pamamahala ng panimulang negosyo.

Dumalo rin sa programa ang lokal na pamahalaan ng Bambang sa pamumuno ni Bambang Municipal Mayor Benjamin “Jamie” Cuaresma III.

Source: DOLE Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles