13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

DOLE, nagbigay ng tulong pinansyal at pangkabuhayan sa Cagayan

Sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga manggagawang Pilipino sa Cagayan, nagbigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 ng tulong pinansyal at pangkabuhayan sa ibang Local Government Units (LGUs) sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, labing tatlong LGU sa Cagayan ang nakatanggap ng livelihood cheque na nagkakahalaga ng mahigit Php14 milyon.

Bukod dito, mahigit apat na LGU kasama ang Balani at Masi Chapter ang nabigyan din ng raw materials packages na nagkakahalaga ng mahigit Php3 milyon.

Ang kabuuang halagang ito na umabot sa Php18,172,500 ay inaasahang makakabenepisyo sa mahigit 800 indibidwal sa nasabing lugar.

Ipinahayag ni Christy Ann Mae T. Mamba, isang DOLE Livelihood Development Specialist, malaking tulong ito sa pagpapalago ng kabuhayan ng mga manggagawang Cagayano.

Sa pagtanggap ng tulong mula sa DOLE, umaasa ang mga benepisyaryo na magiging daan ito sa mas magandang kinabukasan para sa kanilang mga pamilya at komunidad.

Sa pamamagitan ng mga programang ito, layunin ng DOLE na magbigay ng sapat na suporta at oportunidad para sa mga manggagawa upang mapalakas ang kanilang kabuhayan at mapanatili ang kanilang kabuhayan sa gitna ng mga hamon ng panahon.

Lubos ang galak ng mga benepisyaryo sa binigay na proyekto at negosyo, na magbubunga ng pag-asa para sa kanilang mga pamilya at komunidad.

Patuloy naman ang pagbibigay-suporta ng DOLE sa mga manggagawa at LGU sa buong bansa upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa kabuhayan at makamit ang mas maunlad na pamumuhay.

Source: XFM Santiago

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles