13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Dobleng halaga ng Social Pension, ibinahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac

Tuloy-tuloy ang mga makabuluhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles kung saan ibinahagi ang dobleng halaga ng social pension ngayong taon, mula sa dating Php3,000 kada semester ay naging Php6,000 sa Kaisa Convention Hall, Tarlac City nito lamang Biyernes, ika-5 Hulyo 2024.

Masayang tinanggap ng 1,254 Indigent Senior Citizens ang kanilang 1st Semester Social Pension na Php6,000 bawat isa, ito ay bilang isa sa mga pamamaraan upang paigtingin ang pagkalinga sa mga nakatatanda at tulungang tugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Ang Social Pension ay para sa mga senior citizens na hirap sa buhay at walang natatanggap na anumang uri ng pensyon at ito ay isang allowance na ipinamamahagi per semester taon-taon.

Patuloy ang Pamahalaan ng Tarlac na mabigyan ng kaunting tulong pinansyal ang mamamayan lalo na ang ating mga senior citizens na hindi na nakakapagtrabaho upang maging magaan sa kanila at para maisakatuparan ang hinahangad na maunlad at mayabong na Bagong Pilipinas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles