Nagsagawa ng Disinfection Operation ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa Tibag Evacuation Center at Kaisa Convention Hall nito lamang Linggo, ika-12 ng Pebrero 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles.
Naglalayon itong maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa naturang lungsod.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac paghahatid ng tapat na serbisyo sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.