Nagsagawa ang lokal na Pamahaalan ng Lungsod ng Tuguegarao ng Disability Awareness and Sensitivity Training na ginanap sa Ivory Hotel, Buntun, Tuguegarao City nito lamang ika-12 ng Mayo 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng LGU Tuguegarao sa pamumuno ni Engr. Jam Gavino katuwang ang iba pang line agencies ng lungsod at aktibong dinaluhan ng mga SK Officials, Youth leaders, magulang at ibang duty bearers.
Naging talakayan sa nasabing aktibidad ang mga karapatan, programa at serbisyo para sa mga PWDs upang palawigin ang kanilang kamalayan sa ganitong usapin.
Ayon sa mensahe ni City Councilor Ronaldo Ortiz, kanyang sinisiguro na may mga programang nakalaan ang Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao para sa mga Persons with Disabilities upang matulungan ang kanilang sektor.
Layunin ng pagsasanay na maipaliwanag ang kalagayan ng mga may kapansanan at maituro ang tama at nararapat na pagtrato para sa kinakailangang serbisyo sa pamahalaan.
Source: Tuguegarao City Information Office