14.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

DILG Secretary Abalos, pinangunahan ang Pagpupulong sa Clark, Pampanga

Nagsagawa ng mahalagang pagpupulong upang talakayin ang mga isyu sa kapayapaan at kaayusan kaugnay ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) at scam farm, si DILG Secretary Abalos sa Royce Hotel, Clark, Pampanga nito lamang Sabado, ika-20 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ni DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., at dinaluhan ito ng mga prominenteng opisyal tulad nina Pampanga Vice Governor Lilia Pineda, Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., PNP Chief General Rommel Marbil, at PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz, kasama ang mga alkalde at opisyal mula sa mga LGU sa Region 3 at iba pang National Government Agencies.

Kabilang sa mga tinalakay na estratehiya ang mas mahigpit na koordinasyon at pagsasanib-puwersa ng mga ahensya, pagpapalakas ng mga hakbang sa seguridad at pagpapalawak ng kampanya laban sa korapsyon na kaugnay ng mga ilegal na operasyon na ito.

Ang pagpupulong na ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at maayos na komunidad, na ipinapakita ang dedikasyon ng pamahalaan sa paglaban sa mga ilegal na aktibidad at pagpapabuti ng pampublikong kaligtasan sa buong bansa.

Source: PIO Pampanga

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles