Nakumpiska ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac City ang mga depektibo at madayang timbangan matapos ang mahigpit na inspeksyon sa pampublikong palengke ng Tarlac City nito lamang Huwebes, ika-3 ng Agosto 2023.
Ang naturang inspeksyon ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang ang Task Force Market ng City Economic and Enterprise Management Office (CEEMO), Commission on Audit, City Treasurer’s Office at RUA Market Vendors Association.
Mahigpit na ininspeksyon ang bawat timbangan ng mga nagtitinda sa loob ng palengke na kung saan nakumpiska ang 27 na timbangan na mayroong daya.
Sinira ng mga awtoridad ang mga nakumpiskang timbangan upang babala sa lahat na dapat maging tama at eksakto sa mga kilo na ating binebenta sa mga mamimili.
Paalala ng Lokal ng Pamahalaan ng Tarlac City na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng depektibong timbangan dahil isa itong paraan ng panloloko at panlalamang sa ating kapwa.